WARNING.
Hugot level: Intense
March. Ang third month kada taon.
Ano nga ba ang unang pumapasok sa isipan mo kapag naririnig o nakikita mo ang salitang "March" o "Marso"?
Fire Prevention Month? National Women's Month? O ang groundbreaking na Graduation Day?
Graduation day. Ito madalas ang pinaka-hihintay, pinaka-kinasasabikan, at pinaka-inaasam, hindi lang ng mga estudyanteng nagpakahirap at nag-sunog ng kilay sa mga subjects, mapa-minor o major pa yan pati na rin ang mga magulang na todo kayod para makatapos lang ang anak.
Bakit big deal ang pag-graduate sa March o April kung parehas lang din ang sistema kapag graduation ng October?
Hindi naman sa sinasabi kong gumraduate ka ng October, pero hindi ko lang maintindihan kung anong meron sa October at masyado (hindi pala masyado) o iba ang tingin nila sa mga Octoberian.
Parehas din namang may matatanggap na diploma at matatapos na sa pag-aaral?
Siguro alam niyo na kung bakit ko sinasabi 'to. Oo. Octoberian ako. At hindi rin ako proud dito. Sino bang magiging proud na maiiwan ka ng mga kaklase mo matapos ang apat na taon? Sino bang magiging proud matapos mong ma-disappoint ang mga magulang mo dahil may naiwan kang subject/s at wala kang diploma ngayong Marso?
Sabi ng iba kong kaklase na Octoberian din, (Oo, hindi lang ako. Marami din kami.) "Okay lang yan. Mas marami pa tayong time para mas matuunan ng pansin yung naiwan nating subject/s". Sabi pa ng iba, "Ayaw niyo nun? Mas matagal pa tayong magkakasama-sama?". Sabe pa ng iba, "Ayos lang yan. Hindi naman lahat ng kaklase natin, makakakuha agad ng trabaho after graduation.".
Lahat na yata ng pampa-good vibes para wag lang manlumo sa pagiging Octoberian eh narinig ko na sa kanila.
Pero kahit ano pa ring isipin, nandun at nandyan pa rin ang hinanakit at sakit na HINDI KA GA-GRADUATE. (ALL CAPS KASI DAMANG-DAMA).
Mas masakit kapag todo expect ang magulang mo na may kasama pang "Ga-graduate na ang anak ko sa wakas.", gagatungan pa ng mga kapitbahay na "Handaan na yan. Ga-graduate na eh.".
Kaya ngayon, pag naririnig ko ang "Graduation", di ako nasisiyahan, kasi di ko na-meet yung expectations ng mga magulang ko, pinaasa ko sila. Tapos nung sinabi ko at nalaman nila na hindi ako ga-graduate, halatang-halata na hindi nila nagustuhan (tulad nga ng sinabi ko kanina, sino bang matutuwa?). Medyo nainggit nga ako sa mga kasama kong Octoberian nung sinabi nila sa mga magulang nila, "Ayos lang yan, anak. Kung hindi mo ba kaya eh. Bawiin mo na lang next sem".
Nahihiya ako sa sarili ko pati na syempre sa mga magulang ko. Cum laude ate ko and that makes me feel even worse. Nasabihan pa ko na "Binibigay naman lahat ng kailangan at gusto mo. Ano pang problema?", "Bakit hindi ka nagpatulong sa ate mo?". Ako naman, parang gusto na lumubog at mawala na lang na parang bula sa mundo sa sobrang sakit nung sinabi sa'kin. Oo, inaamin ko, alam kong kasalanan ko yun na may mga hindi ako na-comply. Hindi naka-abot sa deadlines. Hindi kinaya ng powers ng utak. Hindi naman ako katulad nung iba na sobrang talino, I'm just an average student. Yung makapasa sa quizzes, exams at projects, ayos na. Di naman ako ganon ka-grade conscious. Pero bakit kailangan ganon pa? Masakit eh. Tagos hanggang buto. Feeling ko sobang hina ko kasi hindi ko kinayang mag-isa. Siguro, sinasabi niyo ngayon na, "Ang drama naman nito.", o kaya naman, "Sus, para yun lang eh.".
Ginawa ko naman ang makakaya ko, pero sadyang kinulang lang talaga. Kumbaga, "Sinabon mo naman ngunit kulang". Di ko pinag-igihan kaya ganon ang nangyari. Ngayon, I'm facing the consequences. And that is a lesson learned. Kinulang sa effort. Kinulang pa sa motivation. Kulang talaga. Kailan pa ba naging sapat ang kulang? Ang hirap 'no?
Natatawa na naiinis ako sa sarili ko kasi kapag kinakausap ako ni Mama, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Magsasalita ako, pakonti-konti lang. Pati ba naman ang pag speak up para sa sarili, di ko pa magawa? Ganyan ako kaduwag. That's why I wrote this kasi hindi ko kayang sabihin yung nararamdaman ko.
To my Mama, Papa, and Ate. If you're reading this, sorry talaga. Sorry kasi na-disappoint ko kayo. Sorry kasi hindi ko na-meet yung expectations niyo. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sa inyo. Sorry kasi hindi ako ga-graduate tulad ng inaasahan niyo. Sorry kasi dagdag burden ako sa mga problema dito sa bahay na imbes na mabawasan, nadagdagan ko pa. Sorry kung hindi ako nakinig sa inyo. Sorry sa lahat-lahat. Hindi ko po sinasadyang saktan at paasahin kayo. Sorry po talaga. :'( Kakayanin ko na 'to this time, para sa inyo. :)
Kaya sa mga nag-aaral pa dyan, pagbutihan niyo. Kung pinagbubutihan niyo, more effort pa. Kasi minsan, yung effort niyo na akala niyong sapat na, kulang pa pala. Just give your best and your bestest. Make your parents proud. Masarap sa feeling yung proud sa'yo yung parents mo. Ibang klase. Kung nahihirapan kayo, go lang. Wag niyong isipin na hindi niyo kaya. Magsisisi kayo sa huli, trust me, I know. Dumaan na ko dyan eh. And, hindi ka nag-iisa, maraming sumusuporta sa'yo.
Rough roads will always be there. But, having a shoulder to lean on and a hand to hold while going through that path makes it easier you'll never know you went past it. You are never alone. :)